Dito ang mga reklamo ko.

SOCIETY TODAY: TRYING HARD.

Bakit kaya ganon ang mga tao? Sadyang ipipilit ang hindi dapat basta makasunod sa uso. Tulad non, nauso Starbucks, kahit di mahilig sa kape, susugod pa rin masabi lang na nakabili ng Starbucks with matching picture pa ha. Sunod yung mga apple products. Kahit mahal, bili parin para ano? Ipang didisplay naman. Isa pa, ‘yung mga DSLR na camera. Kahit di marunong, kahit walang alam sa photography, sige bili pa rin! Tas anong gagawin? Isasabit sa leeg na parang bling bling. Tas nauso yung istagram. Kahit walang kwentang bagay kukunan ng picture tas ipopost na. Kunwari photographer. Lalagyan pa ng polaroid effect kuno. Tas nauso ang milk tea. Kahit di gusto, sige bili pa rin. Again, with matching picture pa. At higit sa lahat ang blogging. Nauso lang ang blogging, kahit di marunong magsulat, kahit ano na lang maipost, kahit ginagawa nang friendster. Sige gagawa pa rin ng blog masabi lang na blogger sila.

Bakit ba ganto ang mga tao ngayon? Yan na ba ang kultura ng Pilipinas ngayon? Ang pagiging trying hard na social climber? Hay society.

WHY I’M HAVING A HARD TIME BELIEVING IN THE CATHOLIC CHURCH

pambansanginidoro:

Just because I made this post doesn’t mean that I’m a Lady Gaga fan nor against Christianity. Remember, Catholicism is different from Christianity.

 Please read before you judge.

Lady Gaga has now arrived in our country. But even before she got here, she has been already facing a lot of negative criticisms about her concert. Religious groups even held a prayer vigil as a protest against her “Monster Ball” tour. All thanks to of course, the influence of the Catholic Church.  

According to the Catholic Bishops Conference of the Philippines, Lady Gaga’s brand of entertainment violates the tenets of Christianity. Also, Lady Gaga was said to be corrupting the mind of the youth. 

In other news, 

The game that took 12 years to make and was anticipated by every gamer in all the parts of the world, Diablo III, was ordered to be pulled out of the gaming market here in the Philippines and retailers were prohibited to sell the popular Role-Playing Game. Again, all thanks to the Catholic Church. Because according to CBCP, they found the game to be “too evil” and “Anti-Christian.”

SERIOUSLY, WHAT THE HELL. (Oh look I said hell. TAKE THAT! LOLJK)

I think the Catholic Church has gone too far.

Before, they wanted to get involved in the government regarding the RH Bill, and now they’re trying to suppress the freedom of the Filipinos.

They’re trying to invade the rights of the people to choose and to express themselves. Seriously, what will they think of next? Banning the jejemons because “jejespeak” is the word of the devil? 

Instead of focusing on preaching and teaching the Word of God, they just want to convert people in to mindless, God-fearing citizens zombies that will obey practice their false teachings which is not even the teachings from the bible. Today, the Catholic Church is trying to steal the power of the government. They are acting as if they ARE the government.

I think they’re just afraid that the Filipinos are “leaving the old traditions behind”. They’re not afraid that people are being immoral and losing their spiritual relationship with God. They are simply afraid that the number of the Catholics “na pinapaikot nila”, are decreasing. They should realize that people have minds of their own. Some people might be fond of these kinds of entertainment but they have a closer relationship with God, compared to those “religious” people who recite memorized, and scripted prayers repeatedly.

In my opinion, the Catholic Church needs to stop butting into peoples’ lives too much and start being a bit more open-minded. And also, I think they should gather and read some information first before they make criticisms. ’Cause for me, the Catholic Church now, is just a group hypocrites banning everything that they think is “immoral”, “out of tradition”, and “satanic”. (Sorry for the terms). 

VARSITY JACKET

Ang varsity jacket. Uso na noong mga 80’s at muling pinauso ng hip-hop and pop culture. “SWAG” ika nga. Pero, mula ng ito’y nauso, siyempre ang mga Pilipinong social climber at pa-impress or ‘yung mga mema lang, e nagpakaeksaherada naman kung makasuot ng makukulay na jacket na ito. 

Kahit ba naman ngayong summer na ubod ng init at halos malaga ka na ng buhay kung ikaw ay magsusuot ng saradong damit e makikita mo pa rin ang ilan sa mga taong nakasuot pa rin ng mga varisty jackets na pilit ipinagmamalaki na ang iba may kung anu-ano pang pangalan na nakalagay sa likod. 

Talaga namang mema lang e. Memaporma. SWAG kuno. Masabi lang na may varsity jacket. Jusme ano na lang yang mga amoy niyo diyan sa mga suot niyong lintek na jacket na yan. Please, hindi kasi sa lahat ng oras e dapat paimpress. Binabagayan din kasi ang mga damit. Kaya tuloy imbes na maimpress ang iba, nagiging sentro pa ng katatawanan.

Hay the society.

Oh, may nanalo sa isang reality TV show…

So, kailangan pa talagang gumawa ng post or mag status about it? I mean seriously? Wala bang mga TV ‘yung iba para gawin yun? Hello. Like we give a fuck? Siyempre alam na ng mga taong nanonood nun kung sino nanalo. Kaya nga nila sinusubaybayan na parang mga tanga diba? Jusko people. See this is one of the reasons why I hate society.

TUMBLR, BAKIT KA NA NAGKAGANYAN?

Nakakasawa na ngayon ang tumblr. Tuwing naglolog-in ako, lagi na lang akong nakakakita ng mga taong malalandi, nagpapasikat, etc. Asan na yung dating blogging site na nakilala ko? Yung dating ineenjoy ko? Ngayon, parang isa na lang siyang social networking site e. Parang facebook na lang na puro pictures at pasikat at twitter na puro one-liner na walang silbi. Nakakawalang inspirasyon tuloy para magblog dun sa main blog ko. 

TRENDING: 1 YEAR ANNIVERSARY OF THE BLOG MATABANGUTAK

Srlsy. Do you have to pay tribute sa kanya? Siya lang ba ang tanging blogger na kilala niyo at parang napakalaki ng kontribusyon niya dito sa tumblr? O baka sadyang nagpapakasipsip lang kayo to gain new followers? Lalo niyo lang pinalalaki ‘yung ulo ng tao and making him think he’s all THAT. Tignan niyo nga 1 year pa lang siya sa tumblr and you think he’s like a god or something. Masyado kayong pa-sipsip na hindi maintindihan e. 

See this is what I hate about tumblr na. Everything’s too “showbiz”. Kaya minsan nakakatamad na rin e. Hindi ko lang madeactivate ‘to kasi lahat ng work ko andito. Lahat ng brainfarts ko andito. And I’m not letting that all go to waste. Pero ano naman magagawa ko right? “It’s their blog.” Sige na magpakasipsip na kayo and worship your “idol”.

FANWARS.

Okay let’s get this shit over with once and for all. Sawang sawa na kong kinokompara ang 2 taong magkaiba. Look. They’re 2 different people. Magkaiba ng ugali, magkaiba ng takbo ng isipan, magkaiba ng nilalaman ng blog. Masyado ng nagiging showbiz ang tumblr at honestly lalong lumalala dahil sa Rhads vs Kimpoy fan war na yan. 

I’m not a fan of any of them and I’m not going to be biased and say that this blogger better than the other. Okay. Lahat tayo may iba’t ibang interest sa buhay. Kumbaga walang basagan ng trip. Kung ano interest mo dun ka. If you like text posts and creative writing, doon ka kay Rhads. If you want a blog na puro eye-candy, dun ka kay Kimpoy. Stop comparing them. Ikauunlad ba ng Pilipinas kung isa sa kanila ay angat? Stop this nonsense and stick to your own fandom. 

Anyareh?

Naalala ko noon nung mga panahong nag hiatus ako and nagging inactive, napakalaki ng naging pagbabago nang ako’y bumalik. Pano ba naman, ang tumblr hindi na blogging site kundi isang social networking site na may halong paligsahan.

Paano ba naman andiyan ang mga tinatawag na “tumblr famous” na wala nang ginawa kundi magpasikat at magpahumble kuno kapag napupuri. Meron din yung mga “kada” na ginagawa ng chat box ang posts dahil dun na naguusap. Ang iba ginagawang tila twitter ang kanilang blogs; Mga one-liner na posts pero wala namang katuturan. Siyempre meron din yung mga bloggers na tila showbiz na ginagawan ng napakalaking issue ang isang maliit na bagay. Kulang na lang pati pag hinga gawan ng issue. Andiyan ‘yung mga blogger na akala mo kung sinong magagaling at experto sa mga bagay bagay dahil sila ay mas matanda at may experience, ngunit sa totoo lang ay mga mali ang pananaw sa buhay at immature. Andiyan din ‘yung mga eye-candy bloggers na dinadaan sa ganda ng hitsura at puro nakakasawang post na lang ng kanila mga mukha ang laman ng blog.

Siyempre nariyan din ang mga taong hayok sa followers na lahat na ata ng paraan para makakuha ng followers e, gagawin. Andiyan din ang mga taong uhaw sa notes at gutom sa TA. Gusto kasi nilang matawag na “famous” at makabilang sa mga iniidolo ng ibang bloggers.

At higit sa lahat ang mga taong tth. Yung mga nagpopose na OA na halos ilabas lahat, at walang ibang bukambibig kundi “Blog ko to. Wala kang pakialam kung ano ipopost ko.” o kaya, “Kung ayaw niyo posts ko, edi unfollow niyo.”, yung mga nagtatag ng tth kahit hindi naman related, at yung mga kaunting balat lang tth na. Makakuha lang ng notes at followers.

Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang iba ay nagsasawa na at ang iba pa ay nadedeactivate. Nakakawalang gana nga naman at nakakawalang inspirasyon para mag blog dahil sa mga nakikita nila. Balang araw siguro ay magiging isang pinagsawaang social networking site na rin ang dating masaya at makulay na mundo ng tumblr.

CHED has devolved the authority to finally decide on class suspension of the tertiary level to the concerned Higher Education Institution Officials

Great. Just great. Matapos tayong paghintayin ng 10 PM for the announcement, all you get is this shit right here. They just transferred the authority to the schools to make the decision whether to suspend classes or not. 

Well, para saan pa ang CHED kung ililipat din lang naman ‘yung authority sa mga schools when it comes to suspension of classes? Hindi ba nila kayang magdecide whether to suspend the classes or not? Bakit ang DepEd napakadaling magdecide, samantalang ang CHED e kailangan ka pa maghintay sa announcement at kadalasan pang nagsusupend kung kailan nakaalis na ang mga students sa kanilang tahanan? Ang tagal niyong pagmemeetingan ‘yan at ang magiging pasya niyo e ilipat ang authority sa mga schools? Wow. Great job CHED. That’s just BS. At eto pa. Bakit mas madaling i-suspend ‘yung mga pre-school, gradeschool and HS compared to college samantalang itong levels na ‘to ay kadalasang hatid-sundo or may service? Samantalang ang college, nagcocommute mag-isa at karamihan pa ay malalayo ang pinanggagalingan? Bakit hindi niyo rin naman isipin ‘yung safety ng college students? Nagpapasya lang naman kayo ng suspension kapag talagang malala na e, at kadalasan last minute pa. ‘Yung tipong stranded na sa school ‘yung mga bata tsaka lang inaannounce na walang pasok.

Great job!

Problema dito.

Kapag may gusto kayong icorrect, hinihiya niyo. Ginagawa niyong big deal. Pwede namang simpleng i-TA na lang siya at kausapin. Ang nangyayari kasi, hinuhusgahan agad tapos ipapahiya. Ni-hindi kilala ‘yung tao, andami nang iniisip. Wag ganon. Wag masyadong magmamarunong.